Nakakahiya man na sabihin pero sasabihin ko na.. Everyday na lamang akong late sa pagpasok sa araw-araw, sarap naman kasi na matulog na parang ayaw mo ng bumangon. Lalo na kung galing ka sa pagod galing sa basketball, lalo na rin kung pagkatapos mo lang na kumain sa gabi. Everyday na lang kinabukasan ang hirap nang gumising ng maaga dahil inaantok pa ako. Hindi ko pa naman alintana yung oras, pero hindi ko namalayan na mahuhuli na rin ako sa eskwelahan. Pero kapag ang Nanay ko ay sumigaw na ng napaka lakas ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
Everyday na lang nandiyan na magmamadali na ako para gumising, minsan gumugulong at tumatama pa ang ulo sa simento dahil sa sobrang pagmamadali. Ikaw pa naman ang sigawan na parang armalite "ratatat tatat!!!", ewan ko lang hindi ka magkanda dapa dapa.
Everyday na lang kapag papasok na ako syempre mukha akong bagong ligo at mabango sa suot kong uniform, at mukang artista. Psssst... ay my nagreact sorry naman!. Pero sa sobrang pagmamadali ko sa paglalakad patungo sa paaralan na parang kabayo sa hingal, hindi ko namalayan na pawis na pawis na ako at ako ay hindi na mukhang "gwapo". Kasi naman sobrang layo ng paaralang na pinapasukan ko. Kahit na nagmadali ako at kay sakit ng katawan ko sa pagmamadali, tagumpay!!! huli parin ako...
Everyday na lang syempre alam na? Pipila na naman kami at paglilinisin ng napaka bait naming guro na si Mr. Harjulin ng "napaka laki" sigurong paaralan. Syempre hindi lang linis ang mangyayari, kukunin pa ang napaka ganda at pogi naming ID. Bago mo naman na makuha uli iyung pinagkakaingatan mong ID bago ka umuwi may second game duty ka uli.
Everyday na lang na kaylangan ko pang mag english ng todo todo kahit na dumugo ang ilong ko basta lang makausap ang isa naming guro sa english na may hawak ng aming ID. Kaya pinagsisikapan ko na ang paggising at pagpasok ng maaga ng saganon ay hindi na muling maulit na mahuli ako sa pagpasok sa eskwela.
No comments:
Post a Comment